preloader
    Del Monte Life Gets Better logo

    Aming Misyon

    Ang maghatid ng kalusugan at kabutihan sa inyong pamumuhay.

    Aming Bisyon

    Pangalagaan ang Pamilya. Pagbutihin ang Buhay. Sa Bawat Araw.

    Alaga natin ang pamilya sa mga pagkain at inuming masarap, masustansiya, at abot-kaya—kailan at saanman.

    Gumagawa kami ng pangalan mula sa de-kalidad na produktong masusing pinag-isipan at mabuti sa kalusugan.

    Tungkol sa Amin

    Ang Del Monte Philippines, Inc. (DMPI) ay ang nangungunang producer, distributor, at tagahatid ng matatataas na kalidad at masusustansiyang pagkain at inumin. Mahigit siyamnapung taon na itong naglilingkod sa mamamayang Pilipino at ang nangunguna sa merkado pagdating sa mga produkto nitong canned pineapple at mixed fruit, canned at Tetra ready-to-drink juice, tomato sauce, at spaghetti sauce. Kabilang dito ang mga popular na brand tulad ng Del Monte, S&W, at Contadina. Higit sa kalahati ng produkto ng DMPI ay kinokonsumo sa Pilipinas at ang iba naman ay iniluluwas sa ibang bansa.

    Nagpapatakbo ang DMPI ng isang fully-integrated pineapple operation sa 25,000 hektaryang plantasyon ng pinya sa Bukidnon, Philippines, at sa hindi kalayuan ay matatagpuan ang pabrika nito. Nagpapatakbo rin ito ng isang PET plant para sa mga inumin sa Cabuyao, Laguna.

    Tungkol sa Life Gets Better

    Naniniwala ang Del Monte Philippines sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga Filipino. Sa patuloy naming paghahandog ng mas de-kalidad na pagkain at inuming Del Monte, tinutulungan namin ang mga nanay na maghain ng mas masasarap na lutuin, na siyang nagpapatibay sa pamilyang Filipino. Sa pamamagitan ng aming mga produkto, tinutulungan namin ang mga Filipino na makamit ang mas malalakas at malulusog na pangangatawan. Sa pamamagitan ng aming mga inisyatibo pagdating sa Corporate Social Responsibility, pinagbubuti namin ang mga indibiduwal at ang kanilang mga pamilya. Ito ay sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanilang maging mas mabubuting tao at pagkakaloob ng paraan upang magkaroon ang kanilang pamilya ng mas magandang kalidad ng buhay. Life Gets Better, hindi dahil sa pagkakataon, ngunit dahil sa mabubuting desisyon na ating pinipili.

    Sa Del Monte, mas gumaganda ang buhay.

    Careers

    Tingnan dito ang mga career opportunity sa Del Monte Philippines, Inc. dito.

    Del Monte Life Gets Better careers

    Del Monte Foundation

    Itinaguyod noong 1996, ang Del Monte Foundation, Inc. ay matagal nang nagtataglay ng tradisyon na "tulungan ang mga taong tinutulungan ang kanilang sarili."


    Upang suportahan ang mga inisyatibo sa pag-unlad, nagtaguyod ang Foundation ng mga educational training center sa Camp Phillips, Manolo, Fortich, Libona, at Sumilao (matatagpuan lahat sa Bukidnon) at sa Cagayan de Oro, at mga satellite center sa South Bukidnon at Misamis Oriental.

    preloader