Bacalao Recipe (Party)
Namnamin ang flavor ng Espanya dito sa luto ng isda na siguradong sasakop sa iyong panlasa.
Read Reviews
Featured Products
Shop your quality Del Monte ingredients at our new Kitchenomics website so you can cook delicious and memorable meals.
Categories : Main Dish, Seafood & Del Monte Tomato Sauce
Tagal ng Paghahanda : 8 hr.
Tagal ng Pagluluto : 40 mins.
Serving Size : 25
Mga Sangkap:
- 2 1/2 kgs daing, labahita, ibinabad sa sapat na tubig magdamag sa loob ng ref
- 1 1/4 cups tubig
- 1 cup ng mantika
- 1 2/3 cups bawang, hiniwa
- 1 pouch DEL MONTE Original Style Tomato Sauce (1kg)
- 1 cup ng DEL MONTE Tomato Paste
- 5 cups patatas, hiniwa nang pakuwadrado
- 2 1/2 cups canned garbanzos, binalatan
- 1 1/4 cups pimiento, hiniwa pahaba
- 1 2/3 cups bell pepper, hiniwa pahaba
- 1/4 kutsarita ng paminta
Paghahanda:
1. Alisin ang tubig sa daing. Tanggalin ang mga buto sa daing. Hiwain ang laman sa malalaking kuwadrado at dagdagan ng tubig. Takpan at pakuluin sa mahinang apoy nang 5 minuto. Alisin at itabi ito.
2. Igisa ang bawang sa magsimula itong lumambot. Idagdag ang DEL MONTE Original Style Tomato Sauce, DEL MONTE Tomato Paste, at mga natitirang sangkap. Pakuluin, takpan, at patuloy na pakuluan sa mahinang apoy nang 15 minuto.
3. Idagdag ang nilutong daing. Pakuluan sa mahinang apoy nang 5 minuto.
Lusog Notes
Mainam na mapagkukunan ang isda ng protein na tumutulong sa pagpapagaling ng mga tisyu sa ating katawan. Ang Bacalao ay mapagkukunan din ng calcium na nakabubuti para sa mga buto at ngipin, at ng iron para sa mga red blood cell na naghahatid ng oxygen sa ating katawan.
Chef`s Tip
Tinatanggal ng pagbabad sa daing nang magdamag ang labis na asin mula sa pinatuyong isda. Ibinabalik din nito ang tubig sa isda upang maging mas malambot ito.
Kinakailangang kakayahan sa pagluluto
- Paggigisa
- Pagpapakulo sa mahinang apoy
Kinakailangang gamit sa kusina
- Mga Measuring Cup
- Spatula
- Chopping Board
- Measuring Spoon
Reviews
Please login to post your comment
.