BBQ Java Rice Recipe
Narito ang isang masarap na rice bowl para pagsaluhan ng iyong pamilya at mga kaibigan!
Read Reviews
Featured Products
Shop your quality Del Monte ingredients at our new Kitchenomics website so you can cook delicious and memorable meals.
Categories : Main Dish, Pork & Del Monte Condiments
Culture : Filipino
Tagal ng Paghahanda : 15 min.
Tagal ng Pagluluto : 19 mins.
Serving Size : 5
Mga Sangkap:
- 500 g manok, thigh fillet
- 1 kutsarita ng asin
- 1 kutsarita ng paminta, black
SAUCE
- 1 cup ng DEL MONTE Sweet Blend Ketchup (320g)
- 3 kutsara ng worcestershire sauce
- 1/4 cup ng sugar, brown
- 1 kutsara ng calamansi juice
- 2 kutsara ng mantika
- 4 cup ng lutong kanin
- 1 kutsarita ng asin
- 1/2 kutsarita ng paminta, black
Paghahanda:
1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Ihawin ito hanggang sa maluto. Hiwain sa mga pahabang piraso at saka itabi.
2. Para sa sauce, paghaluin ang lahat ng sangkap. Itabi ito.
3. Sa isang wok, igisa ang kanin sa mantika. Idagdag ang sauce (magtabi ng 1/4 na cup para gawing topping) at pagkatapos ay timplahan ito ng asin at paminta. Ibuhos sa ibabaw ang natitirang sauce.
Lusog Notes
Ang masarap na rice bowl na ito ay sagana sa protein na mahalaga para sa paglaki ng ating katawan. Mapagkukunan din ito ng niacin na tumutulong sa pagproseso ng mga carbohydrates, protein, at fats.
Chef`s Tip
Mas mainam kung gumamit ng bahaw na niluto noong nakaraang araw, dahil mas tuyo ito kaysa sa bagong saing na kanin. Mas nakasisipsip ng linamnam ang bahaw at hindi ito magiging malagkit o matubig.
Kinakailangang kakayahan sa pagluluto
- Pag-iihaw
- Paghihiwa
Kinakailangang gamit sa kusina
- Wok
- Chopping Board
- Grill Pan
Reviews
Please login to post your comment
.