Beef and Cheese Mac Recipe
Hindi magsasawa ang iyong pamilya dito sa tradisyonal na paborito!
Read Reviews
Featured Products
Shop your quality Del Monte ingredients at our new Kitchenomics website so you can cook delicious and memorable meals.
Categories : Pasta/Noodles, Pasta & Del Monte Spaghetti Sauce
Tagal ng Paghahanda : 20 min.
Tagal ng Pagluluto : 25 mins.
Serving Size : 6
Mga Sangkap:
- 2 kutsara ng mantika
- 1 kutsara ng bawang, dinurog
- 2 kutsara ng pulang sibuyas, hiniwa
- 250 g beef, ground
- 1/4 kutsarita ng asin
- 1/8 kutsarita ng paminta
- 1 pouch DEL MONTE Sweet Style Spaghetti Sauce (250g)
- 1 pack DEL MONTE Elbow Macaroni (200g), niluto na ayon sa instruksiyon sa pakete
- 3/4 cup ng cheese spread
Paghahanda:
1. Igisa ang bawang, sibuyas, at karneng baka. Lutuin nang 10 minuto. Idagdag ang asin, paminta, at DEL MONTE Sweet Style Spaghetti Sauce. Hayaang kumulo ito at pagkatapos ay hinaan ang apoy.
2. Ihalo ang nilutong DEL MONTE Elbow Macaroni. Ibuhos ang cheese spread at haluin habang mainit pa ang pasta.
Lusog Notes
Ang lutong ito ay mapagkukunan ng calcium na nakatutulong sa pag-develop ng mga buto, at ng vitamin A na nakapagpapanatili sa kalusugan ng mga mata at nakatutulong sa immunity.
Chef`s Tip
Ang karneng baka na mainam ang pagkatustado ay mas malinamnam at malasa.
Siguraduhing maayos ang pagkatusta ng groung beef bago ihalo ang DEL MONTE Sweet Style Spaghetti Sauce upang mas maging masarap ang sauce.
Kinakailangang kakayahan sa pagluluto
- Pagpapakulo
- Paggigisa
- Pagpapakulo sa mahinang apoy
- Paghihiwa
Kinakailangang gamit sa kusina
- Chopping Board
- Colander
- Mga Measuring Cup
- Kaldero
- Wooden Spatula
- Measuring Spoon
Reviews
Please login to post your comment
.