All-Beef Burger Pasta Recipe
Dalawang paborito ng pamilya sa isang lutuin! Siguradong magugustuhan nila ito.
Read Reviews
Featured Products
Shop your quality Del Monte ingredients at our new Kitchenomics website so you can cook delicious and memorable meals.
Categories : Pasta/Noodles, Pasta & Del Monte Spaghetti Sauce
Tagal ng Paghahanda : 10 min.
Tagal ng Pagluluto : 12 mins.
Serving Size : 14
Mga Sangkap:
- 2 kutsara ng mantika
- 1/4 cup ng bawang, dinurog
- 1/2 cup ng pulang sibuyas, hiniwa
- 1 cup ng button mushroom na nasa can, hiniwa
- 1 1/2 kg all-beef burger patty (nabibili), dinurog
- 1 pouch DEL MONTE Sweet Style Spaghetti Sauce (1kg)
- 1 kutsarita ng asin
- 1/2 kutsarita ng paminta
- 3/4 pack DEL MONTE Spaghetti (900g), niluto na
- 1 cup ng kinudkod na cheese
Paghahanda:
1. Igisa ang bawang, sibuyas, mga mushroom, at hamburger nang 2 minuto.
2. Idagdag ang DEL MONTE Sweet Style Spaghetti Sauce, asin, at paminta. Takpan at pakuluan sa mahinang apoy nang 5 minuto.
3. Ibuhos sa nilutong pasta. Lagyan ng cheese sa ibabaw.
Lusog Notes
Naglalaman ang All-Beef Burger Pasta ng calcium na tumutulong sa pagpapatibay at pag-develop ng ating mga buto at maging sa pamumuo ng dugo.
Mayroon din itong iron na tumutulong sa pagbuo ng hemoglobin na siyang naghahatid at nagdadala ng oxygen sa ating katawan.
Chef`s Tip
Siguraduhing kulay brown ang mga burger bago idagdag ang DEL MONTE Spaghetti Sauce upang maging mas malasa ang karne.
Kinakailangang kakayahan sa pagluluto
- Pagkudkod
- Paghahalo
- Pagpapakulo
- Paggigisa
- Pagpapakulo sa mahinang apoy
- Paghihiwa
Kinakailangang gamit sa kusina
- Chopping Board
- Colander
- Grater
- Mga Measuring Cup
- Measuring Spoon
- Kaldero
- Spatula
Reviews
Please login to post your comment
.