preloader
    Del Monte Kitchenomics Logo Recipe

    Arroz Caldo A La Del Monte Recipe

    Isang klasikong Pinoy comfort food na may twist ng seafood.

    | 0 Review
    Read Reviews
    Arroz Caldo A La Del Monte Recipe

    Shop your quality Del Monte ingredients at our new Kitchenomics website so you can cook delicious and memorable meals.

    Categories : Rice, Seafood & Del Monte Tomato Sauce
    Tagal ng Paghahanda : 20 min.
    Tagal ng Pagluluto : 47 mins.
    Serving Size : 6
    Mga Sangkap:

    • 500 g clams (halaan)
    • 5 cups tubig

    • 2 kutsara ng mantika
    • 1/4 cup ng bawang, dinurog
    • 1/4 cup ng sibuyas, hiniwa
    • 2 kutsara ng luya, hiniwa sa mahahabang piraso
    • patis, pampalasa
    • 1/2 cup ng bigas na malagkit, hinugasan nang isang beses
    • 1 pouch DEL MONTE Original Style Tomato Sauce (200g)
    • paminta, pampalasa
    • 1/4 cup ng green onion, hiniwa
    Paghahanda:

    1. Pakuluan ang mga halaan sa tubig hanggang sa bumukas ang mga shell nito.

    Alisin ang laman sa mga shell at itabi. Ireserba ang 5 cup ng sabaw.

    2. Igisa ang bawang sa mantika hanggang sa maging kulay brown.

    Itabi ang kalahati para gawing topping.

    3. Sa natitirang kalahati, idagdag ang sibuyas, luya, laman ng halaan, patis na pampalasa, at bigas na malagkit. Igisa nang 5 minuto.

    4. Idagdag ang DEL MONTE Original Style Tomato Sauce, ang nakareserbang sabaw ng halaan, at pamintang pampalasa. Pakuluin sa mahinang apoy, maya't mayang haluin hanggang sa maluto ang kanin.

    5. Bago ihain, lagyan sa ibabaw ng green onions at ng natitirang kalahati ng bawang.

    Lusog Notes
    Ang recipe na ito ay mapagkukunan ng protein at calcium. Ang protein ay kinakailangan sa paglaki, pag-develop, at paggaling ng mga tisyu sa ating katawan, samantalang ang calcium naman ay mahalaga para sa kalusugan ng ating mga buto.
    Chef`s Tip
    Paminsan-minsang kaskasin ang ilalim at gilid ng kawali upang masiguradong hindi dumikit ang kanin dito.
    Kinakailangang kakayahan sa pagluluto
    • Pagpapakulo
    • Paggigisa
    • Paghihiwa
    Kinakailangang gamit sa kusina
    • Mga Measuring Cup
    • Spatula
    • Chopping Board
    • Measuring Spoon
    • Kaldero
    preloader
    Reviews

    .

    Save

    Share

    Email

    PIN

    preloader