preloader
    Del Monte Kitchenomics Logo Recipe

    Bacalao Recipe

    Namnamin ang flavor ng Espanya dito sa luto ng isda na siguradong sasakop sa iyong panlasa.

    | 5.0 Reviews
    Read Reviews
    Bacalao Recipe
    Categories : Main Dish, Seafood & Del Monte Tomato Sauce
    Tagal ng Paghahanda : 8 hr.
    Tagal ng Pagluluto : 35 mins.
    Serving Size : 5
    Mga Sangkap:

    • 500 g daing, labahita, ibinabad sa sapat na tubig magdamag sa loob ng ref
    • 1/4 cup ng tubig
    • 2 kutsara ng mantika
    • 1/3 cup ng bawang, hiniwa
    • 1 pouch DEL MONTE Original Style Tomato Sauce (200g)
    • 3 kutsara ng DEL MONTE Tomato Paste (70g)
    • 1 1/3 cup ng patatas, hiniwa nang pakuwadrado
    • 1/2 cup ng canned garbanzos, binalatan
    • 1/4 cup ng pimiento, hiniwa pahaba
    • 1/3 cup ng bell pepper, hiniwa pahaba
    • paminta, pampalasa
    Paghahanda:
    1. Alisin ang tubig sa daing. Tanggalin ang mga buto sa daing. Hiwain ang laman sa malalaking kuwadrado at dagdagan ng tubig. Takpan at pakuluin sa mahinang apoy nang 5 minuto. Alisin at itabi ito.
    2. Igisa ang bawang sa magsimula itong lumambot. Idagdag ang DEL MONTE Original Style Tomato Sauce, DEL MONTE Tomato Paste, at mga natitirang sangkap. Pakuluin, takpan, at patuloy na pakuluan sa mahinang apoy nang 15 minuto.
    3. Idagdag ang nilutong daing. Pakuluan sa mahinang apoy nang 5 minuto.

    Lusog Notes
    Mainam na mapagkukunan ang isda ng protein na tumutulong sa pagpapagaling ng mga tisyu sa ating katawan. Ang Bacalao ay mapagkukunan din ng calcium na nakabubuti para sa mga buto at ngipin, at ng iron para sa mga red blood cell na naghahatid ng oxygen sa ating katawan.
    Chef`s Tip
    Tinatanggal ng pagbabad sa daing nang magdamag ang labis na asin mula sa pinatuyong isda. Ibinabalik din nito ang tubig sa isda upang maging mas malambot ito.
    Kinakailangang gamit sa kusina
    • Chopping Board
    preloader
    Reviews

    .

    Save

    Share

    Email

    preloader