preloader
    Del Monte Kitchenomics Logo Recipe

    Chicken Bulgogi Recipe

    Itong masarap at classic na putahe mula Korea ay napakadali nang ihanda!

    | 4.3 Reviews
    Read Reviews
    Chicken Bulgogi Recipe
    Categories : Main Dish, Chicken & Del Monte Quick 'n Easy
    Tagal ng Paghahanda : 1 hr.
    Tagal ng Pagluluto : 12 mins.
    Serving Size : 10
    Mga Sangkap:

    • 1 sachet DEL MONTE Quick n Easy BBQ Marinade (80ml)
    • 1 kutsara ng bawang, tinadtad
    • 1 kutsarita ng luya, kinudkod
    • 1 kutsara ng sesame oil
    • 500 g manok, thigh fillet
    • 1/4 cup ng green onions, hiniwa
    • 1 kutsarita ng sesame seeds
    • 2 cups lollo rosso lettuce
    Paghahanda:
    1. Paghaluin ang DEL MONTE Quick n Easy Barbecue Marinade, bawang, sesame seeds, at sesame oil.  Ibabad ang manok sa marinade nang 30 minuto hanggang sa 1 oras.

    2. Ihawin ang manok at hiwain nang pahaba. Itabi at budburan ng green onions at sesame seeds sa ibabaw.

    3. Balutin ang manok ng dahon ng lettuce.

    Lusog Notes
    Ang putaheng ito ay nagbibigay ng protein na mahalaga sa pagpapanatili at paggaling ng mga tisyu sa ating katawan. Tumutulong din ang protein sa regulasyon at pagpapanatili ng balanse ng tubig sa katawan.
    Chef`s Tip
    Laging ibabad sa marinade ang mga karne sa loob ng ref para manatiling sariwa ang karne. Ang pag-iiwan ng karne sa labas ay nagpapabilis ng pagkalat ng delikadong mikroorganismo sa pagkain na maaaring magdulot ng sakit.
    Kinakailangang kakayahan sa pagluluto
    • Wrapping
    • Pag-iihaw
    • Paghihiwa
    Kinakailangang gamit sa kusina
    • Chopping Board
    • Grill Pan
    • Kutsilyo
    • Mga Measuring Cup
    • Measuring Spoon
    • Spatula
    • Tongs
    preloader
    Reviews

    .

    Save

    Share

    Email

    preloader