preloader
    Del Monte Kitchenomics Logo Recipe

    Adobo sa Gata Paella Recipe

    Tatlong paborito sa iisang lutuin! Siguradong magugustuhan mo ito.

    | 5.0 Reviews
    Read Reviews
    Adobo sa Gata Paella Recipe
    Categories : Rice, Chicken & Del Monte Quick 'n Easy
    Tagal ng Paghahanda : 15 min.
    Tagal ng Pagluluto : 1 hr. and 32 mins.
    Serving Size : 4
    Mga Sangkap:

    • 1 kutsara ng mga buto ng atsuwete
    • 2 kutsara ng mantika

    • 250 g manok, thigh fillet
    • 1/2 kutsarita ng asin
    • 1/4 kutsarita ng paminta, black

    • 1 piraso ng chorizo pamplona, hiniwa nang pa-diagonal at may kapal na 1/4 inch
    • 1/4 cup ng sibuyas, hiniwa
    • 1 kutsara ng bawang, tinadtad
    • 2 kutsarita ng luya, tinadtad
    • 1 cup ng kanin, long grain, hinugasan
    • asin, pampalasa
    • 2 kutsara ng suka
    • 2 pakete ng DEL MONTE Quick 'n Easy Gata Mix (40g), tinunaw sa 2 1/2 cups ng tubig
    • 1 kutsara ng bell pepper, pula, hiniwa sa mahahabang piraso
    • 1 kutsara ng green peas
    • 1 piraso ng itlog (opsyonal), hard boiled at hiniwa
    Paghahanda:

    1. Initin ang mantika at pagkatapos ay idagdag ang mga buto ng atsuwete.Kapag nagsimulang kumulo ang mantika at maging kulay yellow orange, patayin ang apoy at hayaan ang atsuwete na nakababad nang 10 minuto. Alisin at itabi ang mantika.

    2. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Sa isang maliit na paellera pan o kawali, ibuhos ang mantika ng atsuwete. Iprito ang chorizo at tinimplahang manok hanggang maging bahagyang brown, alisin at itabi.

    3. Sa parehong kawali, igisa ang sibuyas, bawang, at luya. Kapag nagsimula nang mangamoy, idagdag ang kanin at igisa hanggang sa mabalot ang kanin ng mantika at bahagyang maisangag ito. Timplahan ng asin, dagdagan ng suka, at pakuluan sa mahinang apoy hanggang matuyo ito nang bahagya.

    4. Ihalo ang DEL MONTE Quick n Easy Gata mixture at pakuluan nang walang takip. Kapag kumulo na ito, takpan at patuloy na pakuluan sa mahinang apoy nang 15 minuto.

    5. Tanggalin ang takip at idagdag ang mga piraso ng manok, chorizo, bell pepper, at green peas. Pakuluan sa mahinang apoy at nang may takip sa loob ng 30 - 45 minuto. Lagyan sa ibabaw ng hard boiled na itlog kung iyong nais. 

    Lusog Notes
    Ang lutuing ito ay mapagkukunan ng kinakailangang iron para sa paggawa ng mga red blood cells na nagdadala ng oxygen sa ating katawan, at ng niacin na tumutulong sa normal digestion at malusog na balat.
    Chef`s Tip
    Mahalagang isangag ang kanin sa mantika bago idagdag ang mga liquid ingredients. Kapag isinangag ito, naluluto ang mga starch na nasa ibabaw ng mga butil kaya hindi ito lumalapot.
    Kinakailangang kakayahan sa pagluluto
    • Pagpapakulo sa mahinang apoy
    • Pagpiprito
    • Paghihiwa
    • Paggigisa
    Kinakailangang gamit sa kusina
    • Chopping Board
    • Measuring Spoon
    • Kutsilyo
    • Kawali
    • Mga Measuring Cup
    • Spatula
    preloader
    Reviews

    .

    Save

    Share

    Email

    preloader