Adobong Manok sa Atsuwete Recipe
Subukan ang bersiyong Ilonggo ng adobo!
Featured Products
Shop your quality Del Monte ingredients at our new Kitchenomics website so you can cook delicious and memorable meals.
Categories : Main Dish, Chicken & Del Monte Pineapple
Tagal ng Paghahanda : 15 min.
Tagal ng Pagluluto : 1 hr.
Serving Size : 8
Mga Sangkap:
- 1/4 cup ng mantika
- 1 kutsara ng mga buto ng atsuwete
- 1 kg manok, hita at binti, kasama ang buto
- 1/4 kutsarita ng asin
- 1/8 kutsarita ng paminta
- 1/4 cup ng bawang, tinadtad
- 1/2 cup ng sibuyas, hiniwa
- 1/4 cup ng DEL MONTE Red Cane Vinegar
- 1 can DEL MONTE Pineapple Chunks (432g), inalis at itinabi ang syrup
- 1/4 cup ng green onion, hiniwa nang 2 pulgada ang haba
Paghahanda:
1. Sa isang kaldero, initin ang mantika at atsuwete hanggang sa dahan-dahan itong kumulo. Patayin ang apoy at hayaang nakababad ang atsuwete nang 2 minuto. Salain at itapon ang mga buto ng atsuwete.
2. Ibabad ang manok sa itinabing pineapple syrup nang hindi bababa sa 30 minuto. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Initin ang mantika ng atsuwete at pagkatapos ay iprito ang bawang. Itabi ang ipiniritong bawang.
3. Iprito ang manok sa parehong mantika ng atsuwete hanggang maging golden brown. Itabi ito.
4. Sa parehong kawali, igisa ang sibuyas at pagkatapos ay muling ibalik ang manok. Ihalo ang suka at pakuluan sa mahinang apoy hanggang sa halos matuyo ito.
5. Idagdag ang marinade. Pakuluan at pagkatapos ay hinaan ang apoy hanggang sa lumambot ang manok. Idagdag ang DEL MONTE Pineapple Chunks at ang kalahati ng piniritong bawang. Haluing mabuti. Ibudbod sa ibabaw ang natitirang piniritong bawang at green onions. Ihain.
Lusog Notes
Chef`s Tip
Kinakailangang kakayahan sa pagluluto
- Pagpapakulo
- Pagpapakulo sa mahinang apoy
Kinakailangang gamit sa kusina
- Chopping Board
- Mga Measuring Cup
- Measuring Spoon
- Spatula
Reviews
Please login to post your comment
.