Baked Chicken Spaghetti Recipe
Magugustuhan ng mga bata ang matamis at malinamnam na spaghetti na ito!
Read Reviews
Featured Products
Shop your quality Del Monte ingredients at our new Kitchenomics website so you can cook delicious and memorable meals.
Categories : Pasta/Noodles, Chicken & Del Monte Spaghetti Sauce
Tagal ng Paghahanda : 10 min.
Tagal ng Pagluluto : 35 mins.
Serving Size : 16
Mga Sangkap:
PARA SA SAUCE
- 2 kutsara ng mantika
- 1 cup ng puting sibuyas, hiniwa
- 1 kutsara ng bawang, tinadtad
- 500 g chicken, ground
- 1 cup ng button mushroom, canned (400g), hiniwa
- 1 cup ng chicken hotdog, hiniwa
- 1 pouch DEL MONTE Sweet Style Spaghetti Sauce (1kg)
- 1 kutsarita ng asin
- 1/2 cup ng green peas
PARA SA CHEESE SAUCE
- 1 can gatas, evaporada (370ml)
- 2 kutsara ng all-purpose flour
- 1/2 cup ng tubig
- 1 1/2 cups melting cheese, kinudkod
- 1 kutsarita ng asin
Paghahanda:
1. Igisa ang sibuyas at bawang hanggang sa bumango at maging translucent ito.
2. Idagdag ang ground chicken at igisa hanggang sa maging kulay brown. Idagdag ang mushroom at chicken hotdog at pagkatapos ay igisa nang 2 minuto.
3. Idagdag ang DEL MONTE Sweet Style Spaghetti Sauce. Timplahan ng asin at idagdag ang green peas. Pakuluin at hinaan ang apoy.
4. Upang gawin ang cheese sauce, paghaluin ang mga sangkap sa isang kaldero at pakuluan sa mahinang apoy hanggang sa lumapot. Upang pagsama-samahin, ilagay ang nilutong pasta sa sauce at ibuhos sa baking pan. Ilagay ang cheese sauce sa ibabaw at pagkatapos ay i-bake hanggang maging kulay brown ang ibabaw.
Lusog Notes
Ang Baked Chicken Spaghetti Recipe ay siksik sa protein na mahalaga para sa paglaki, pag-develop, at paggaling ng mga tisyu sa ating katawan. Mapagkukunan din ito ng calcium na mahalaga sa kalusugan ng buto at nerve transmission.
Chef`s Tip
Maaari mo pa ring ihain ang lutuing ito kahit wala kang oven. Ilagay lamang ang cheese sauce sa ibabaw ng hinalong pasta. Lagyan ng mga hiniwang herb tulad ng parsley at basil, at saka ihain.
Kinakailangang kakayahan sa pagluluto
- Baking
- Pagpapakulo
- Paggigisa
- Pagpapakulo sa mahinang apoy
Kinakailangang gamit sa kusina
- Can Opener
- Chopping Board
- Colander
- Mga Measuring Cup
- Measuring Spoon
- Mixing Bowl
- Kaldero
- Rubber Spatula
- Salaan o Strainer
- Whisk
Reviews
Please login to post your comment
.