preloader
    Del Monte Kitchenomics Logo Recipe

    Adobong Gulay at Karne Recipe

    Isang mas malusog na bersiyon ng klasikong ulam.

    | 0 Review
    Read Reviews
    Adobong Gulay at Karne Recipe

    Shop your quality Del Monte ingredients at our new Kitchenomics website so you can cook delicious and memorable meals.

    Categories : Main Dish, Pork & Del Monte Tomato Sauce
    Tagal ng Paghahanda : 10 min.
    Tagal ng Pagluluto : 28 mins.
    Serving Size : 6
    Mga Sangkap:

    • 2 kutsara ng mantika
    • 2 kutsara ng kutsara ng bawang, dinurog
    • 2 kutsara ng kutsara ng sibuyas, hiniwa
    • 150 g ng karne, pigue, hiniwa sa mga pahabang piraso
    • 1 piraso ng pork bouillon cube
    • 2 1/2 kutsara ng kutsara ng black beans (tausi), inalisan ng tubig
    • 1 kutsara ng soy sauce
    • 6 mga piraso ng na piraso ng dinurog na peppercorn (paminta)
    • 1 kutsarita ng sugar, white
    • 1/2 cup ng tubig
    • 1 1/2 cups cup ng sitaw, hiniwa nang 2 pulgada ang haba
    • 1 pouch DEL MONTE Original Style Tomato Sauce (115g)
    • 300 g ng talong, hiniwa nang pahalang
    • 3 kutsara ng DEL MONTE Red Cane Vinegar (47cl)
    • 2 bunches bungkos ng kangkong, pinutol nang 2 pulgada ang haba
    Paghahanda:

    1. Igisa ang bawang, sibuyas, at karne hanggang maging kulay brown ito. Idagdag ang bouillon, tausi, toyo, paminta, asukal, at tubig. Lutuin nang 5 minuto.

    2. Idagdag ang sitaw, DEL MONTE Original Style Tomato Sauce, talong, at DEL MONTE Red Cane Vinegar. Lutuin sa mahinang apoy nang 15 minuto. Idagdag ang kangkong, at pagkatapos ay pakuluan sa mahinang apoy hanggang sa maluto.


    Lusog Notes
    Ang ulam na ito ay siksik sa vitamin A na pinapanatiling malusog ang ating balat at iba pang bahagi ng katawan upang maprotektahan ito mula sa mga impeksiyon, at vitamin B1 na siyang tumutulong gawing enerhiya ang ating mga kinakain.
    Chef`s Tip
    Para sa mas malasang luto, durugin ang tausi habang iginigisa upang lumabas ang linamnam nito.
    Kinakailangang kakayahan sa pagluluto
    • Pagpapakulo
    • Pagpapakulo sa mahinang apoy
    • Paggigisa
    Kinakailangang gamit sa kusina
    • Mga Measuring Cup
    • Spatula
    • Chopping Board
    • Measuring Spoon
    • Kaldero
    preloader
    Reviews

    .

    Save

    Share

    Email

    PIN

    preloader